March 9, 2006

Babae si Satanas

Filed under: Opinion

Lumabas ako ng opisina kahapon at tumambad sa akin ang isang rally ng mga kababaihan. Syempre laban kay Ate Gloria. At syempre mapapahaba na naman ang lalakarin ko papuntang sakayan ng FX dahil sarado ang mga underpass sa Ayala. Makikinig sana ako sandali kaso dalawang buong pangungusap pa lang ang narinig ko natakot na ‘ko. Si Satanas daw ay babae, at nandun siya sa Malacanang. Nagulat ako kung bakit ganun sila magsalita sa harap ng maraming tao. Paano nila nalaman na si Satanas ‘yung nakaupo doon sa Palasyo? Hindi kaya dahil nanggaling din sila sa impyerno? Aba e mga kampon pala ng demonyo ang mga babaeng ito na nagra-rally sa Ayala! Umuwi na lang ako. Mabuti nang makapagpahinga ng maaga at may pasok pa bukas.

March 7, 2006

Martial Law

Filed under: Opinion

Ang daming umangal sa Proclamation 1017 ni Ate Gloria last February. Kesyo martial law na raw! Hindi daw kailangan. Hindi daw ayon sa batas. Ang gagaling nyo kasing lahat. Lahat kayo puro tama at magaling. Mga tinamaan ng magaling!

Magaling lang naman kayong magbunganga at umangal sa kahit na ano na yatang gawin ng pamahalaan. Umutot lang yata si Ate Glo ngangawa na kayo dyan ng foul e. Wala naman din kayong nagagawa para sa mga tulad naming naghihirap araw-araw kumayod para mabuhay ng kahit papaano ang pamilya.

Eto ang kastigo para sa inyong lahat:

SA MGA HUNGHANG NA PULITIKO:

Tapos na ang oras nyo sa gobyerno at napagsamantalahan nyo na ang taong-bayan nung kayo ang nakaupo. Marami na kayong nakurakot at kaya na kayong buhayin nyang ninakaw nyo hanggang sa susunod na buhay nyo. Makuntento naman kayo. ‘Wag na kayong maanggulo pa. Palagi na lang kayo ang nagsisimula ng gulo e. Gusto nyo pa yatang makabalik e. Hindi naman na pwede ‘yan.

SA MGA PARI AT BISHOPS NA PULITIKO:

Lagi kayong nangunguna pag me prayer rally o anumang misa na may kulay pulitiko. Sobrang galing nyo kasi e kaya pati si Hesus sinusuway nyo. Ang kay Cesar ay kay Cesar. Nakalimutan nyo na bang mga pulitiko at pariseo ang pumatay sa kanya? Hindi ko mahanap sa Bibliya kung saan namulitiko si Hesus at sumama sa rally. Puro pangaral at pagtulong sa mga mahihirap at may sakit ang ginawa nya e. Kung gusto nyong maging pulitiko alisin nyo na ‘yang suot nyong abito. Pakunwari pa kayong nagdarasal e rally naman talaga at protest ang pakay nyo. Mga huwad talaga kayo!

MGA SUNDALONG PULITIKO:

Sinisira nyo ang propesyunalismo ng mga karaniwang sundalo na maghapon sa gubat at nag-aabang ng mga kalabang kapwa rin nila Pilipino. Kung may karaingan kayo, ipabatid sa nakatataas sa inyo, huwag nang magpapansin pa sa mga mediang bangag at lasing sa mga haka-haka. Kung gusto nyong magpagamit at magpabayad sa mga laos na pulitiko, gumamit kayo ng sarili nyong armas, huwag yang mga tangke na binili ng buwis ng bayan upang ipagtanggol ang ating kasarinlan. Kung gusto nyong maging pulitiko, hubarin na ang uniporme at maglublob sa putik. Pareho na rin yun e. Nakalimutan nyo na yata yung sumpa nyo:

LOYALTY

IF - YOU WORK FOR A MAN, IN HEAVEN’S NAME
WORK FOR HIM; SPEAK WELL OF HIM AND STAND
BY THE INSTITUTION HE REPRESENTS.
REMEMBER - AN OUNCE OF LOYALTY IS WORTH A
POUND OF CLEVERNESS.
IF - YOU MUST GROWL, CONDEMN, AND ETERNALLY
FIND FAULT, WHY - RESIGN YOUR POSITION AND
WHEN YOU ARE ON THE OUTSIDE, DAMN IT TO
YOUR HEART’S CONTENT - BUT AS LONG AS YOU
ARE A PART OF THE INSTITUTION DO NOT CONDEMN
IT. IF YOU DO, THE FIRST HIGH WIND THAT COMES
ALONG WILL BLOW YOU AWAY, AND PROBABLY
YOU WILL NEVER KNOW WHY.

SA MGA MAKAKALIWA:

Hindi na kayo uso e. Kaya siguro kumakampi na rin kayo sa mga dulong makakanan. Huwag naman. Baka mawalan kayo ng sariling identity kayo rin.

SA MGA NAGRA-RALLY SA LANSANGAN

Alam nyo ba na iyang ibinabayad nila sa inyo ay mga ninakaw nila sa kaban ng pamahalaan noon? At kapag sila na ang nakaupo, kayo ang unang magdurusa sa lahat ng mga gagawin nila. Alam nyo ba na hindi umuusad ang ekonomiya dahil sa konteng barya na ibinabayad sa inyo bawat araw para tumambay sa kalye? Ang ibig sabihin nun: mas mahal na sardinas, bigas, kuryente, tubig, at pamasahe. Kulang din sa kalaunan iyang nakulekta nyo ng ilang araw na pagpapauto nyo sa mga gagong pulitiko.

SA MGA PULITIKONG WALANG MAPAGLAGYAN

Noon kasama kayong nagpabagsak sa isang rehimen. ‘Yung iba naman sumamang nagpabagsak dun sa playboy na artista. Tapos ngayong hindi kayo nabigyan ng pinapangarap nyo poder sa gobyerno, nakikihalo kayo sa mga dati nyong kalaban. Magkaroon naman kayo ng loyalty sa isang tao, kahit sa sarili nyo na lang. Pwede nyo namang kalabanin si Ate Glo ng hindi nakikipag-plastikan sa mga pinatalsik noon e. Bakit akala nyo ba bibigyan kayo ng pwesto nyan pag sila ang iniupo nyo?E mga numero unong ganid yan e. Mas ganid pa sa inyo. Sige magbigay nga kayo ng isang taong pwedeng ipalit sa pinapatalsik nyo. Sasama kami sa laban nyo kung meron kayong pwedeng ipalit sa kanya na hindi katulad nyo.

SA MGA LEADER NA PARANG ME ALAM

Si professor sama din sa rally. Niyaya pa ang mga babaeng mag-aaral na galing doon sa paaralan ng gobyerno na pinamumugaran ng mga magiging corrupt na pulitiko sa hinaharap. Iba naman ang trip nito e. Ang interpretasyon nya kasi sa 1017 ay martial law na katulad noon kay Apo. Gusto nyang maging bida bago sya malaos. Inuto pa ang mga hunghang na mag-aaral na ang mga magulang ay umaasang nagsisipag-aral sila at nakalugmok sa mga libro sa loob ng dormitoryo nila. Ang dami pang katulad ni professor na sa unang tingin ay may alam. Hindi nga lang nila alam na may mga institusyong gumagalaw at nagsusumikap na gamitin ang kanilang nalalaman upang makatulong sa mga mamayan sa pamamagitan ng mga proyektong hindi kailangang maghintay ng pagpapala ng gobyerno. Ang mga institusyong ito ang tumutulong sa mga karaniwang tao kahit hindi pondohan ng pamahalaan at ang mga nagpapatakbo dito ay mga taong galing din sa paaralang kanilang ipinagmamalaki. Hindi nila naririnig na nagpapahayag ito ng kanilang matalinong opinyon sa mga nangyayari sa pamahalaan. Kasi abala sila sa pagtulong sa mga tao, hindi sa pagyayabang ng kanilang nalalaman at mga opinyon.

SA MGA MAG-AARAL NA NAGPAPAGAMIT SA MGA PULITIKO

Akala nyo siguro magagaling na kayo kasi isang tawag lang na pumunta sa EDSA o sa Pasay Road ang bilis nyo. Ang pamasahe nyo naman at pambili ng mineral water ay galing sa pawis ng mga magulang nyo sa probinsya na kahit gabi na o umuulan ay sige ang kayod. May narinig lang kayong pagtitipon sa isang kalye sama na kayo agad kahit hindi nyo alam ang dahilan. Puro people power ang nasa isip nyo. Kesyo nilalabanan nyo ang Martial Law. E ni wala pa kayo sa mga puwet ng nanay nyo nung nagkaroon ng Martial Law. Ni hindi maaarok ng isip nyo ang takot na bumabalot sa tao noon. Araw-araw may nawawalang tao na lumalaban sa gobyerno, kung hindi man pinatay na, maging pulitiko man o taga-media o mag-aaral. Ngayon naglabas lang ng sinturon si Ate Glo, Martial Law na, People Power na kayo.

SA MGA NAKAUPO

Huwag kayong magpapatalo sa mga gustong umagaw ng kapangyarihang ibinigay namin sa inyo. Kung may pagkukulang man kayo, pinatawad na namin ‘yon. Kaya nga kahit ilang rally na ang natanaw namin dito sa bantayog ni Ninoy sa Ayala ay hindi pa rin kami bumababa ng opisina at sumasali e. Kaya ayusin nyo na ang trabaho nyo at para lalong lumakas at umunlad ang bansa natin. Kami kahit anong gulo nyo tuloy ang trabaho namin dito. Bukas ganun pa rin kami, kasi kailangang kumita ng pera. Kahit may mga tangke at sundalo pang nakahanay sa Ayala. Sana naman suklian nyo ‘yun ng maayos na serbisyo sa aming mga ordinaryong tao na binabawasan ng buwis ang pinagpawisan bawat sweldo, sa ayaw man namin o sa gusto.

Ayan ha, pag hindi pa naman kayo tinablan nyan ewan ko na.

February 6, 2006

Instant

Filed under: Opinion

Tayong mga Pilipino sa mundo ng internet, kahit yung nakaraang henerasyon, ang tawag ay “Instant” Generation. Mahilig tayo sa madaliang mga bagay!Instant noodles, coffee, lahat ng pwedeng gawing instant na pagkain nandyan na. Wala tayong tyaga sa anumang bagay! Lahat gusto instant.

Lalo na sa pagyaman. Kaya taya dito, taya doon. Weteng dito, lotto doon. Sabay pasok naman ng mga gameshows sa TV. Noong nanonood ako ng Kwarta o Kahon ni Pepe Pimentel pag sinu-shoot sa SM West (SM North EDSA sa mga kahapon lang ipinanganak), malaking pera na ‘yung pitong libo. Ngayon, ‘pag siniswerte ka, isang milyon sa isang tayuan sa tabi ni Kris Aquino o ni Willie Revillame o ni Boss Vic. ‘Langhiya naman! Saan ka nga naman makakapulot ng ganun kalaking pera. Siguro sa panghoholdap lang ng bangko. Delikado pa yun saka baka magka-onsehan pa kayong magkakasama sa holdapan.

Masisisi mo ba yung mga taong ilang araw nang pumipila doon sa ULTRA? Doon na sila natutulog at kumakain (kung merong pangkain), dumudumi, naliligo, at kung anu-ano pa. Oo, masisisi mo sila. Marami doon kasi gusto maging instant milyonaryo. Marami doon pinabayaan ng mga kaanak na pumunta sa ganung show para kapag sinwerte, me balato rin sila. Yung mga lalaking sawa na sa mabigat na trabaho, pinayagan ang kanilang mga asawa, mga anak, at mga magulang na pumunta at pumila sa isang show na iilan lang naman talaga ang mananalo. Pikit-mata na lang, baka manalo, malay mo.

Pero sisihin nyo rin si Gloria na kulang ang mga ginagawa sa kanyang pamumuno para mabigyan ng trabaho ang mga ganitong tao. Ang kaya lang naman nyang bigyan ng trabaho ay yung mga college graduate at ipapasa nya sa call center. Hindi nya kayang gumawa ng paraan para mabigyan ng hanapbuhay ang mga magulang na walang pinag-aralan subalit sa kanilang edad ay kailangan pang kumayod para buhayin ang pamilya. Sabihin nyo nga sa akin kung ano ang plano ni Gloria para sa mga hindi tapos ng kolehiyo. Iyang mga linsyak na college graduates lang naman ang kaya nyang ipagmalaki na bibigyan ng trabaho. E kahit wala naman sya makakahanap ng trabaho ‘yang mga yan e. Sabay kuha naman nya ng credit na sya ang nagbigay ng trabaho nila. Pwe!

Sisihin nyo rin ang mga gameshow organizers at ang mga produkto na ini-endorse ang mga ganitong palabas na mali ang ibinibigay na pag-asa sa mga karaniwang tao. ini-exploit nila tayo. Mga manloloko! Mapagsamantala! Kung talagang gusto nyong mamigay ng pera sa tao, huwag sa isang contestant lamang. Ibigay nyo na lang sa mga batang naghihintay ng tulong sa pediatrics ward sa PGH. Maniniwala pa ‘ko sa inyo.

Sisihin nyo rin ang mga politikong puro politiko lang ang alam at ang kanilang mga sariling agenda. Sa sobrang kagigiit nyo na mas magaling kayo sa nakaupo, kayo na mismo ang nagpahirap sa bayan. Tamaan sana ng kidlat ang mga puwet nyong mga hinayupak kayo!

Sisihin nyo rin ang mga bishops at mga paring katulad nung mga jogging ng jogging at halo ng halo sa mga rally. Puro kayo pangaral e mga tuta din naman kayo ng mga politiko o ng sariling nyong paniniwala na mas magaling kayo sa nakararami. Ipadala sana ni Lord si San Miguel sa lupa at nang matikman nyo ang hinahanap nyo. Mga huwad!

Sisihin nyo rin ang mga sarili nyo na patuloy na nagpapaloko sa mga mabungangang politiko na patuloy namang nagsasamantala sa mga buwis na sapilitang kinukuha sa inyo ng gobyerno. Kunsabagay, dapat lang lahat tayo magdusa at sisihin. Puro tayo tanga e. Mga instant tanga!

January 27, 2006

Politics!

Filed under: Opinion

Hehehe! Lahat napansin na ‘yung dadaanan ng parada ni Manny hindi kasama ang Makati. Kelangan pa bang i-memorize yan?! Lahat naman ng mga pwedeng pagsamantalahan ng politiko dito pagsasamantalahan nila e. Magtataka pa ba kayo?

January 23, 2006

Manny for Vice President

Filed under: Opinion

Hanep ang epek ni Manny! Nawala ang trapik, yung barber shop na pinuntahan ko ako lang kostumer! Sabi ni Mike Enriquez kanina sa radyo, bumaba daw pati kriminalidad. Kelan pa nangyari na ang bida e hindi politiko? Mabuti naman at tayong mga Pilipino ay may tinitingala pa rin. Kahit na broken English ang banat ni Manny, sya pa rin idol ko. Tinay for president, Manny for vice president. Ganda ng line-up ‘no? Mga senador at kongresman naman ang susunod na gagawan natin ng line-up.

January 10, 2006

Tinay for President

Filed under: Opinion

It seems everyone knows about Tinay and her honest deed. Lots of other Pinoys are doing the same thing on an everyday basis. Kaya lang, lahat sila mga katulad ni Tinay na ordinaryong tao. Yung mga nasa itaas at may hawak ng kapangyarihan na ibinigay sa kanila ng tao, sila ang walang ganung katangian. Paano ka pa magkakaroon ng pag-asa para sa bansa mo?

January 2, 2006

Balik sa Dating Gawi

Filed under: Uncategorized, Opinion

It’s the second day of the new year. Bagong taon, bagong pag-asa. Panibagong chance para magbago ang mga dapat magbago at mabago ang dapat baguhin. Para sa karamihan sa atin, mahirap gawin yan. Para sa marami sa atin, balik uli sa dating gawi. Ay, buhay!

Happy new year, everyone!

December 13, 2005

You’re it!

Filed under: Opinion

Rumors of a coup this December started floating around via text messages. And a lot of people fell for it. Ang media naman sinamantala ang kahunghangan ng mga naniwala, lalong pinapalaki ang issue. Meron ba namang sira-ulong coup-plotter ang magsasabi na maghahasik sila ng lagim ngayong Disyembre? Kung totoo man yun, wala kayong dapat naririnig tungkol sa plano. Obvious ba na magiging palpak ang plano nila ‘pag nalaman ng gobyerno? Masyado naman na yata kayong uto-uto!

November 25, 2005

It’s a Conspiracy!

Filed under: Opinion

Yesterday(kahapon nga ba talaga ‘yun?), Garci was said to have entered the country while Mark Jimenez was a no-show. Also, two F-16 fighter jets made an emergency landing at the NAIA. Connect the dots: kakaiba ang tagahatid nina Garci at ni MJ! Hehehe.

Somebody made a mess of allowing Garci in and out of the country undocumented and untouched, amidst the controversy and the senate’s outstanding warrant of arrest. That’s TWICE pa ha. Pero walang nananagot sa mga tao ni ate Glo. Bayad-utang and tawag dyan. Kayo naman, parang ‘di nyo alam.

November 10, 2005

Peso is the Best Performer in Asia This Year

Filed under: Opinion

Kapapanood ko lang po ng Bloomberg(Asia) interview sa isang currency analyst ng DBS Bank of Singapore. And sabi nya, yung Philippine Peso po ang best performer despite the fact na ang daming kaguluhan sa gobyerno, while the Yen is the worst performer this year of all Asian currencies. Kinda makes me wonder kung walang mga nanggugulo sa gobyerno this year. Siguro parang tumalon ang ekonomiya natin. At naibsan nang konte ang hirap ng loob ni Juan. Tamaan sana ng kidlat ang mga tunay na may kasalanan sa ating mga tao.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here