Now they are having a “people’s court” to try Ate Glo for her sins in the 2004 elections. These people are relentless, indeed. Gagawin talaga nila kahit ano, kahit lalong maghirap ang mga tulad nating Pilipino na araw-araw ay parang kabayo sa pagkayod. Lalong bumabagsak ang ekonomiya pero no pansin pa rin sa kanila kasi nga naman nakahiga sila sa mga pera nila. Hindi yata Pilipino ‘tong mga ito. Puro pansariling interes lang ang alam. Gustong patalsikin ang lehitimong inihalal para ipaupo ang sino mang gusto nila na hindi man lang tinatanong kung OK sa mga tao. Sumasali sa mga eleksyon, pag natalo pikon at sasabihing di makatotohanan ang eleksyon. Hindi nyo na iginalang ang mga boto namin. Sigurado mas lalong hindi nyo igagalang ang mga karapatan namin ‘pag kayo na ang nakaupo. Mga sakim at ipokrito talaga!
Trial and error ang ginagawa nyo e. Hanap kayo nang hanap ng butas na pwedeng magpatalsik kay Gloria habang naghihirap ang mga tunay na Pilipino sa kahaharang nyo sa pag-usad ng bansa. Pati mga ibang organisasyon at ibang mga tao na me nakatatak na UP sa likod kahit saan magpunta naloko nyo. Sabagay, sabihin na nating matatalino ang mga taga-UP. Yun nga lang, gullible sila. Hehehe. ‘Di ka kasi sikat doon ‘pag di ka aktibista. Kaya sali nang sali kahit ano, wala nang esep-esep. Mga uto-uto!
You have to give it to the master planner of this power-hungry group. Sigurado meron na namang susunod kapag di umipekto ‘yang bagong gimik nila. Very creative talaga, palpak nga lang. Ang haba naman ng swerte nyan, di pa sibakin ng boss nya sa kapalpakan nya. O wala na silang ibang mahanap na ganyan ka-wild ang imagination?